18.3 C
Baguio City
Saturday, March 14, 2026
spot_img

Barangay Consultation cum Caravan of Services, isinagawa ng DSWD Central Luzon

Matagumpay na isinagawa ang Barangay Consultation cum Caravan of Services ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 sa pamumuno ni Regional Director Venus F. Rebuldela, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Ariel A. De Jesus para sa mga 4Ps beneficiaries na ginanap sa San Luis, Aurora nito lamang Setyembre 4, 2025.

Umabot sa 251 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa iba’t ibang barangay sa San Luis ang lumahok sa naturang programa.

Kabilang sa mga serbisyong ibinahagi ay ang pamamahagi ng pananim na buto sa 125 benepisyaryo mula sa Municipal Agriculture Office, referral at business registration para sa 27 benepisyaryo ng DTI–Negosyo Center, at civil registration assistance sa 11 katao mula sa Municipal Civil Registrar.

Samantala, 39 benepisyaryo ang nabigyan ng libreng check-up at gamot mula sa Municipal Health Office, 71 ang natulungan ng Philippine Statistics Authority para sa National ID registration, at 13 naman ang nakapag-enroll sa libreng skills training ng TESDA.

Nakapag-update din ng records at nakapagparehistro ng ID ang 60 benepisyaryo sa PhilHealth, habang 65 naman ang nakapag-avail ng insurance program sa Palawan Express.

Layunin ng aktibidad na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga benepisyaryo ng 4Ps upang mapaunlad ang kanilang kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at kaalaman sa tamang paghawak ng pananalapi.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles