16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Ang Dicotcotan Beach sa Palanan, Isabela

Ang Dicotcotan Beach ay matatagpuan sa Palanan, Isabela.

Ito ay may white sand na nagtataglay ng malinis, malinaw, at kulay asul na tubig na aakitin kang magtampisaw at lumangoy.

Ang beach na ito ay pinagigitnaan ng napakagandang bulubundukin ng Sierra Madre at ang malawak na Pacific Ocean.

Ang Dicotcotan ay isang salitang Palanan na nangangahulugang “paglubog”.

Ito ang itinawag sa lugar sapagkat lumulubog ang paa ng sinuman na maglalakad sa dalampasigan nito dahil sa pino ng buhangin.

Ang tubig sa Dicotcotan Beach ay napakalinaw na kahit ikaw ay nasa dalampasigan, makikita mo ang buhangin at mga seaweeds sa dagat.

Sa kabuuan, umaabot sa 3 kilometro ang haba ng shoreline ng buong beach na maaaring lakarin ng mga turista habang ineenjoy ang malamig na yakap ng hangin, pagaspas ng alon, at saksihan ang ganda ng likas na yamang taglay ng bulubundukin.

Maliban sa beach, isa din sa mga atraksiyon dito ay ang mga dolphins, balyena, at pawikan.

Mararating ang bayan ng Palanan sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano mula Cauayan City Domestic Airport o Tuguegarao City Domestic Airport.


Sources: http://www.traveltothephilippines.info/2012/12/11/dicotcotan-a-three-kilometer-long-white-sand-beach-in-isabela/ https://www.taraletsanywhere.com/bilay-makadawi-beach-resort-palanan-isabela/ https://www.taraletsanywhere.com/travel-guide-isabela-province/

Related Articles

1 COMMENT

Comments are closed.

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles