Sumailalim sa dalawang araw na Basic Life Support Training ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang 43 rescuers ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong Mayo 3, 2024.
Ang pagsasanay ay pinangungunahan ng Provincial Health Office (PHO) at Department of Health (DOH) Region II na pinapamunuan ni Christine Joan Balangue, DRRMH Manager ng naturang ahensya.
Kabilang sa itinuro sa mga rescuer ang infant at adult Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) kung saan may apat na station na kailangang pagdaanan ang bawat kalahok at tatapusin ang bawat station ng dalawang minuto.
Ang pagsasanay ay may layuning mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga rescuer sa pagsagip sa buhay hindi lamang sa panahon ng kalamidad at sakuna kundi sa lahat ng oras na may mangailangan ng kanilang tulong.
Source: CPIO