18.6 C
Baguio City
Thursday, November 14, 2024
spot_img

Mahigit Php1.5M halaga ng tulong, handog ng DOLE sa mga magsasaka

Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tsekeng nagkakahalaga ng Php1,545,933 na tulong para sa mga miyembro ng Maligcong Farmers, Fisherfolks, Irrigators Association (MaFFIA) na ginanap sa Bontoc, Mountain Province noong unang araw ng Mayo 2024.

Ang nasabing tseke ay tinanggap nina Bontoc Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong Jr. at Labor Employment Officer III Jenelyn Caluza ng Public Service Employment Office (PESO) kung saan ito ay nakalaan para sa livelihood project ng 31 na indibidwal at 10 na magulang ng mga child laborers na mga miyembro ng MaFFIA. 

Ang nasabing halaga ay idadaan sa Bontoc Local Government Unit (LGU sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) upang mapapadali ang pagbili at pamamahagi ng mga materyales at kagamitan na kinakailangan para sa kani-kanilang mga proyektong pangkabuhayan.

Samantala, ipinarating naman ni Mayor Tudlong ang kanyang lubos na pasasalamat sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang walang tigil na suporta sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga mamamayan sa kanyang nasasakupan.

“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa patuloy na suporta mula sa DOLE sa pagtataguyod ng kapakanan ng ating komunidad. Ang pagtutulungang ito ay nagpapatibay sa ating pangako sa pag-angat ng ating komunidad at pagtiyak ng mas magandang kinabukasan para sa lahat,” aniya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles