Nakatanggap ng tulong ang 29 pamilya na apektado ng sunog mula sa Local Government Unit (LGU) ng Angeles City na idinaos sa Barangay Virgen Delos Remedios, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-27 ng Oktubre 2023.
Ito ay pinamunuan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang City Social Welfare and Development Office.
Namigay ng hygiene kits, food packs at sleeping kits sa mga pamilyang apektado.
Patuloy ang Pamahalaan ng Angeles City sa pagbibigay ng agarang tulong upang makapag simulang muli at makabangon mula sa dagok na dala ng sunog.