Narekober ng mga awtoridad ang tinatayang Php117,000 halaga ng mga illegally cut narra lumbers sa Sitio Patakalig, Brgy. Lower Taloctoc, Tanudan, Kalinga nito lamang Oktubre 25, 2023.
Nadiskubre ito ng mga tauhan ng Tanudan Municipal Police Station ang mga abandonadong narra lumbers na may kabuuang sukat na 234 board feet at may katumbas na halagang Php117,000.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Tanudan PNP upang mapanagot ang nasa likod ng pagpuputol ng kahoy na mahigpit na pinagbabawal sa batas.