Pinangunahan ng mga tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Pamahalaang Lokal ng San Rafael ang paglilinis sa mga pampublikong sementeryo ng naturang bayan nito lamang Sabado, ika-21 ng Oktubre 2023.
Ito ay sa pamumuno ni Mayor Cholo I. Violago, Municipal Mayor.
Ang aktibidad ay bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita sa araw ng Undas sa naturang bayan.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lokal ng San Rafael ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.