15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Hygiene Kits handog ng Provincial Government ng Tarlac

Namahagi ng Hygiene kits ang Provincial Government ng Tarlac para sa mga mag-aaral ng Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2023.

Pinamunuan ito sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Susan A Yap, Governor ng Tarlac Province katuwang ang PGT-Commuity Based Monitoring System at Department of Education (DepEd) Tarlac Province.

Nagbigay ngiti at saya sa mga mag-aaral ang hatid na libreng hygiene kits at tinuruan ang mga ito sa tamang pangangalaga ng kanilang katawan.

Bukod sa hygiene kits na ipinamigay, namahagi din ang mga awtoridad ng pares ng tsinelas sa mga mag-aaral.

Ang mga mapalad na nabigyan ng hygiene kits ay ang mga mag-aaral ng Cabugbugan Elementary School, Caanamongan Elementary School at Santa Ignacia North Elementary School.

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Provincial Government ng Tarlac sa mga Tarlakenyo tungo sa magandang buhay at kinabukasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles