Naghatid ng libreng bakuna sa Anti-Flu at Anti-Pneumonia ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City para sa mga senior citizens na residente ng Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2023.
Pinamunuan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office at Regional Health Unit.
Naghatid ng libreng bakuna ng Anti-Flu at Anti-Pneumonia sa mga Lolo at Lola na Angeleños upang mas lumakas ang kanilang resistensya.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa libreng bakuna hatid sa kanilang barangay.
Layunin nito ang masiguro ang kaligtasan at malusog na pangangatawan ng kanilang nasasakupan.
Patuloy na priyoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City ang programa para sa pangkalusugan ng mga Angeleños tungo sa maayos na pamumuhay.