Sumuko sa kamay ng mga awtoridad ang isang babae na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Poblacion, Pudtol, Apayao nito lamang Oktubre 17, 2023.
Kinilala ang sumuko na isang babae, miyembro ng Militia ng Bayan.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang rifle grenade with bullet trap at markings, RG3-600-01 J 04.
Samantala, patuloy naman ang pamahalaan sa panghihikayat sa mga aktibong miyembro ng mga komunistang teroristang grupo na sumuko upang makapagbagong buhay kapiling ang kanilang sariling pamilya.