

Nakiisa ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan sa isinagawang unity walk, interfaith prayer rally, multi-sectoral assembly, at peace covenant signing sa Kiangan Municipal Open Gym, Poblacion, Kiangan, Ifugao nito lamang Oktubre 13, 2023.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Kiangan Municipal Police Station at nilahukan ng 192 indibidwal mula sa COMELEC, DILG, PNP, BFP, BJMP, AFP, CSOs, mga opisyal at empleyado ng munisipyo, at mga kandidato para sa 2023 BSKE mula sa iba’t ibang Barangay ng Kiangan.
Nagtipon-tipon, nagmartsa, nanumpa at pumirma ng integrity pledge ang mga kandidato at mga kinatawan mula sa multi-sector bilang pakikiisa sa kampanya para sa isang malinis, tapat, ligtas, mapayapa, at maayos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Samantala, nagbigay mensahe ang Officer-In-Charge ng Ifugao Police Provincial Office na si Police Colonel Marvin Diplat na kinatawan ni Police Lieutenant Melchor Pascual kung saan hinikayat ang mga kandidato na maging patas sa laban dahil pagkatapos ng halalan ay tayo pa rin ang magtutulungan.
Bukod pa rito, nagbigay rin ng mensahe si Honorable Raldis Andrei Bulayungan, Municipal Mayor, kung saan kanyang pinatunayan na walang permanenteng kalaban at kakampi sa politika.
Hinikayat pa niya ang mga kandidato na panatilihin ang mabuting ugnayan ng pamilya at mag-iwan ng magandang pamana sa mga nakababatang henerasyon.




