Tumanggap ng taunang cash gift ang symbolic 100 millionth baby na si Xyrus Jeic Talapian ng Bantay, Ilocos Sur mula sa Provincial Government ng Ilocos Sur na pinamunuan ni Mr. Francis Tagorda, Provincial Administrator at Mr. Francis Dacanay, Provincial Population Officer, nito lamang ika-9 ng Oktubre 2023.
Bukod sa tseke, patuloy na nagbibigay ang Provincial Government of Ilocos Sur ng kontribusyon sa Philhealth para sa pamilya ni Xyrus.
Nagbigay din ng nebulizer kit ang lokal na pamahalaang ng Ilocos Sur na isa sa kahilingan ng bata.
Ang patuloy na pagmomonitor ng Provincial Population Office ng Ilocos Sur sa kalagayan ni Xyrus Jeic ay parte ng adbokasiya ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur para sa kanya.