Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Kapangan Municipal Police Station sa Balakbak COMPAC, Balakbak, Kapangan, Benguet nito lamang Oktubre 10, 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs) ng Brgy. Beleng-Belis, 52 anyos at residente ng Beleng-Belis, Kapangan, Benguet.
Nabatid na ang isinukong baril ay isang Caliber .22 revolver, walang serial number at bala.
Pinapaalalahanan ng Kapangan PNP ang iba pang nagmamay-ari ng baril na walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang himpilan upang maiwasang magkaroon ng kaso.