Tinatayang 18 dating rebelde ang boluntaryong sumuko at nagbalik-loob sa mga awtoridad sa Barangay San Felipe, Llanera, Nueva Ecija nito lamang Martes, ika-10 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ng 2nd Provincial Mobile Force Company ang paghikayat sa mga dating rebelde sa pagbabalik-loob sa ating pamahalaan.
Lumagda at nanumpa ng Oath of Allegiance to the Government ang mga dating armadong grupo na nagpapatunay sa kanilang katapatan ng pagbabalik-loob.
Kasabay nito ang pagbibigay ng tulong ng mga awtoridad tulad ng grocery packs.
Nangako ang mga ito na kanilang tatalikuran ang mga marahas na ginagawa ng rebeldeng grupo at magsimulang muli sa piling ng gobyerno.