Mahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad sa nalalapit na Barangay at SK Elections 2023 sa pamamagitan ng COMELEC Checkpoint sa Barangay Mabayo, Morong, Bataan nito lamang Linggo, ika-8 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company.
Masusing sinusuri ng mga awtoridad ang mga rehistro at lisensiya ng mga motorista na pumapasok at lumalabas sa kanilang lugar.
Ang nasabing COMELEC Checkpoint ay ipapatupad ng pulisya at Commission on Elections hanggang sa ika-29 ng Nobyembre upang masiguro ang maayos at payapang halalan sa ating mga barangay.
Pinapaalalahanan ang lahat ng mga mamamayan na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa mga ipinapatupad at huwag lumabag sa mga ipinapatupad na COMELEC Checkpoint sa ating mga lugar.