14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

DSWD FO2, namahagi ng Seed Capital Fund sa Iguig, Cagayan

Pinangunahan ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang pamamahagi ng Seed Capital Fund (SCF) sa 104 kwalipikadong mga benepisyaryo mula sa Iguig, Cagayan noong ika-3 ng Oktubre 2023.

Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Iguig, Php1,560,000 ang kabuuang halaga na tulong pangkabuhayan ang natanggap ng nasabing mga benepisyaryo kasabay ang kanilang Civil Society Organization (CSO) accreditation certificates mula sa ahensya.

Ang SLP ay isa sa programa ng DSWD na naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga tulong na may kaugnayan sa serbisyo na pagpapalakas ng kakayahan, kasanayan, at karanasan ng mga kalahok tungo sa mas kapaki-pakinabang sa negosyo at trabaho.

Source: DSWD FO2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles