Mt. Province – Nadiskubre ng mga awtoridad ang abandonadong dalawang chainsaw at mga illegally sawn lumbers sa Sitio Madoto, Barangay Suyo, Sagada, Mt. Province nito lamang Oktubre 4, 2023.
Batay sa ulat, rumesponde ang mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office Tadian kasama ang mga tauhan ng Sagada Municipal Police Station at Regional Mobile Force Battalion 1502nd Maneuver Company nang makatanggap ng report na may nangyayaring illegal logging sa nasabing lugar.
Agad naman nagtungo ang mga nasabing grupo ngunit ang kanilang nadatnan ay ang mga nakatambak na lumbers na may kabuuang sukat na 197 board feet na may tinatayang halaga na Php5,910 at dalawang chainsaw.
Panawagan naman ng CENRO na tigilan ang pagsasagawa ng illegal logging dahil ito ay makakaapekto sa kalikasan at kung sino man ang mahuling lumalabag ay may karampatang parusa.