Nagsagawa ng fumigation ang Angeles City Health Office-Sanitation Division sa Barangay Tabun nito lamang Huwebes, ika-28 ng Setyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa 4S strategy ng pamunuan ng City Government ng Angeles City na “Search and Destroy, Self-protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging in case of outbreak”.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy silang magsasagawa ng fumigation sa iba’t ibang paaralan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral ng naturang lungsod.