Isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Aurora Hill Police Station, Baguio City nito lamang ika-26 ng Setyembre 2023.
Napag-alaman na ang isinukong baril ay isang defective, homemade caliber .38 snub-nosed revolver with Smith and Wesson markings, without serial number and no ammunition.
Hindi na pinaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.
Samantala, hinikayat naman ng Baguio City PNP ang lahat ng firearm owners na walang lisensya na isuko ang kanilang mga baril upang maiwasan ang mga kasong pwedeng ipataw sa kanila.