Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa Barangay Poblacion, Hungduan, Ifugao nito lamang Setyembre 26, 2023.
Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Hungduan PNP mula sa isang pinagkakatiwalaang informant na nagsabing gustong e-surrender ng kanyang kaibigan ang kanyang baril.
Para sa seguridad ng may-ari ng baril ay hindi na ito pinangalanan.
Napag-alaman na ang isinukong baril ay isang Bruni automatic, caliber 8mm K, made in Italy sa slide at BH, PSF, 7204102 naman sa frame.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang panghihikayat ng Ifugao PNP sa lahat ng residente sa kanilang nasasakupan na may baril at walang lisensya na isuko upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso.