Tuloy-tuloy na isinasagawa ng Angeles City Health Office ang fumigation laban sa lamok sa Barangay Mabanias ng Angeles City nito lamang Martes, ika-26 ng Setyembre 2023.
Pinamunuan ito ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office-Sanitation Division.
Binugahan ang mga bawat paligid ng kabahayan kung saan namamahay ang mga lamok na may dalang sakit na dengue.
Layunin ng naturang fumigation ang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente laban sa mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue at maagapan ang pagdami ng nasabing sakit.