Namigay ng libreng school bags at school supplies ang Lokal na pamahalaan ng Tarlac City para sa mga mag-aaral ng Baling Canaway Corba Elementary School ng Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-22 ng Setyembre 2023.
Ang naturang tulong ay pinangunahan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City.
Nagbigay ngiti sa mga kabataan ang hatid na libreng school supplies at school bags na lubos ang pasasalamat sa ipinamahaging libreng kagamitan sa kanilang paaralan.
Patunay lamang na ang Local Government Unit ng Tarlac City ay patuloy sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo para sa magandang kinabukasan ng kabataan sa kanilang nasasakupan.