Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa Brgy. Lingoy, Mountain Province nito lamang Setyembre 20, 2023.
Batay sa ulat, isang Caliber 38 revolver na walang serial number, markings at bala ang isinuko nito sa mga awtoridad.
Ang pagsuko ay naging matagumpay dahil sa isinasagawang serye ng Barangay Visitation at OPLAN KATOK, OPLAN BAKAL SITA, at ng mas pinaigting na kampanya para sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ng Mt. Province PNP.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang panghihikayat ng mga awtoridad sa lahat ng residente sa kanilang nasasakupan na may baril, ngunit paso na ang rehistro at walang lisensya na isuko sa kanilang himpilan upang makaiwas sa pagkakakulong.