Naghatid ng mga libreng school supplies ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan ng Tarlac City nito lamang Huwebes, ika-21 ng Setyembre 2023.
Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa ilalim ng programang “Anghel Care Balik Eskwela 2023” sa pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor.
Umabot sa 4,000 na mga estudyante mula sa Grade 1-6 ng mga pampublikong paaralan ng lungsod ang nabigyan ng libreng school supplies.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa paghahatid ng tulong at saya sa mga batang mag-aaral sa kanilang nasasakupan.