Tuloy-tuloy na isinasagawa ng Angeles City Health Office ang fumigation laban sa lamok sa iba’t ibang bahagi ng mga barangay ng Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-20 ng Setyembre 2023.
Pinamunuan ito ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office- Sanitation Division.
Binugahan ang mga bawat paligid ng kabahayan kung saan namamahay ang mga lamok na may dalang sakit na dengue sa nasabing siyudad.
Layunin ng naturang fumigation ang maprotektahan ang kalusugan ng mga residente laban sa mga lamok at maagapan ang pagdami ng nasabing sakit.
Patuloy na umaarangkada ang mga proyekto at programa ni Mayor Lazatin na makakatulong sa kanyang nasasakupan.