Isinagawa ng Casiguran PNP ang pagsasagawa ng COMELEC Checkpoint sa kahabaan ng Barangay 02 Poblacion, Casiguran, Aurora nito lamang Lunes, ika-18 ng Setyembre 2023.
Maigting ang kanilang pagbabantay sa mga lumalabas at pumapasok sa lugar kung saan sinusuri ang mga dokumento at ipinapatupad ang mga ipinagbabawal ngayong nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Samantala, namahagi rin ng mga flyers na naglalaman ng mga Crime Prevention Tips para sa mga motorista.
Patuloy ang Casiguran PNP sa pagbabantay ng seguridad ng pamayanan lalo na ngayong nalalapit na pagpili ng mga mamamayan sa mga bagong opisyal ng barangay.