Naging mapayaoa at maayos ang unang araw ng 2023 BAR Examination na ginanap sa Saint Louis University (SLU) sa Baguio City nito lamang ika-17 ng Setyembre 2023.
Sa kasalukuyan, ang SLU ay isa sa mga 14 local testing centers para sa 2023 BAR Examination na gaganapin sa mga petsang 17, 20 at 24 ng Setyembre, kung saan nasa 1,049 candidates ang mag-eexam sa SLU.
Bilang pagpapakita naman ng suporta sa kani-kanilang mga kandidato na sasailalim sa naturang examination ay nagsagawa ng sent off sa kahabaan ng Bonifacio Street, Baguio City ang mga pamilya, kaibigan at mga kinatawan mula sa iba’t ibang law school.
Samantala, naging mahigpit naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng Baguio City Police Office sa nasabing paaralan upang tiyakin na magiging maayos at mapayapa hindi lamang ang unang araw ng BAR Examination 2023 kundi hanggang sa matapos ito.