Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles ang isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Abacan River, Angeles City nito lamang Sabado, ika-16 ng Setyembre 2023.
Dinaluhan ito ng mga tauhan ng DILG-Angeles City, City Environment and Natural Resources Office at Environment Management System ng naturang lungsod.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day kung saan nagtulungan sa paglilinis ng ilog.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at pangangalaga sa ating kalikasan.