Nagpahayag ng mainit na mensahe ng pasasalamat ang ilang benepisyaryo ng Micro Rice Retailers na nakatanggap ng cash assistance mula sa Kagawaran ng Kagalingang at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos, katuwang ang Department of Trade and Industry, noong ika-14 ng Setyembre 2023.
Ang pamamahagi ng Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasunod ng implementasyon ng Executive Order No. 39.
Malaking tulong ang programang ito para matulungang matustusan ng isang pamilya ang mga gastusin at naglalayong makatulong sa mamamayan para makaahon sa pangkabuhayan at matamasa ang mas maayos na pamumuhay.