Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Benhur C. Abalos Jr., ang inilunsad na programang BIDA B.I.K.E.R.S sa Bulacan Sports Complex, City of Malolos, Bulacan nito lamang Linggo, Setyembre 10, 2023.
Dinaluhan ito ng mga empleyado ng Pamalahaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Hon. Daniel R. Fernando, Governor kasama ang Central Luzon PNP at mga siklista ng naturang probinsya.
Kaugnay dito, libu-libong siklista ang nakilahok sa Zumba at 20 km bike run.
Nagkaroon rin ng talakayan ukol sa adbokasiya kontra ilegal na droga para sa mga Liga ng mga Punong Bayan ng naturang probinsya.
Patuloy ang ating pamahalaan sa paglunsad sa iba’t ibang programa upang masugpo ang ilegal na droga at maiiwas ang mga mamamayan na masangkot sa mga maling gawain.