Nakatanggap ng Financial Assistance ang mga senior citizens mula sa Local Government Unit ng Tarlac City na residente ng iba’t ibang barangay ng nasabing syudad nito lamang Huwebes, ika-7 ng Setyembre 2023.
Pinamunuan ni Hon. Cristy Angeles Mayor ng Tarlac City, Tarlac ang naturang pamimigay ng tulong.
Ayon sa ulat ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City, taon-taon binibigyan ang mga senior citizens ng Php500.00 na ipinamahagi sa mga rehistradong senior citizens sa nasabing siyudad.
Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa financial assistance na hatid ng pamahalaan ng Tarlac City na patuloy ang pamimigay ng tulong at serbisyo para sa kanilang nasasakupan.