Naghatid ng tulong ang Local Government Unit ng Tarlac para sa mga mag-aaral ng Iba Elementary School, Barangay Iba, San Jose, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan ito ni Hon. Mico Macasaet, Municipal Councilor katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac at San Jose PNP.
Namahagi ang naturang grupo ng mga kagamitan sa eskuwela gaya ng mga lapis, papel, pangkulay at mga bag sa mga mag-aaral ng naturang paaralan.
Patuloy ang Local Government Unit ng Tarlac sa pamimigay ng tulong sa mga mag-aaral upang maging aktibo sa kanilang pag-aaral at maging instrumento sa pag-abot sa kanilang mga pangarap.