Tarlac City – Pinangunahan ng mga tauhan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Tarlac City ang isinagawang cleaning at flushing sa Riverwalk, Aquino Blvd, Tarlac City nito lamang Biyernes, ika-1 ng Setyembre 2023.
Ito ay naging posible sa ilalim ng direktiba at pamumuno ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor.
Kaugnay dito, matagumpay na nalinis ang mga riverwalk sa pamamagitan ng pagwawalis at pagbubuhos ng tubig.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng lugar at matanggal ang dumi na maaaring magdulot ng sakit sa mga mamamayan.
Sinisiguro naman ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na patuloy nilang pananatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang maging ligtas ang mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.