Pinasinayaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) ang Turn-Over Ceremony ng mga Radio and Emergency Operation Tools and Equipment sa PDRRM Office, Bontoc, Mt. Province nito lamang ika-29 ng Agosto 2023.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Provincial Administrator Franklin C. Odsey, PDRRM Office Edward Chumawar Jr., at ni Aquiles Agnapan na nagpresenta para kay Gov. Bonifacio C. Lacwasa Jr., at ng mga miyembro ng 1502nd Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 15.
Iginawad ang 30 pairs of rubber boots, 30 shovels, 30 hard hats at 30 rain coats na tinanggap ni Police Captain Wilfred G Behis ng 1502nd MC RMFB 15 Operation Officer.
Nagpasalamat naman ang mga awtoridad sa kanilang natanggap na mga kagamitan na kanilang magagamit sa oras ng kalamidad at pagsasagawa ng search and rescue operations.