Naghatid ng iba’t ibang serbisyo ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa mga residente ng Barangay San Juan Bautista, Tarlac City nito lamang Martes, ika-29 ng Agosto 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Hon. Cristy Angeles, City Mayor katuwang ang Angel Care Team.
Ito ay kaugnay sa programang Angel Care kung saan nagkaroon ng libreng konsultasyon sa ngipin, medikal at pamimigay ng libreng newborn kit, mga reading glasses at mga libreng gamot.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na patuloy na maghahatid ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.