23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

NPA member, sumuko sa Mt. Province

Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Brgy. Babalaan, Tadian, Mountain Province nito lamang ika-28 ng Agosto 2023.

Kinilala ang sumuko na isang lalaki, 35 anyos, may asawa, isang magsasaka at miyembro ng NPA sa ilalim ng WKLG AMPID (NPSRL).

Napag-alaman na kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang caliber .44 revolver na may serial number na 290719 at marka na “United States Property”, “US R.M.”, “ODE”, “1917” at “No.13”.

Patuloy naman ang panawagan ng gobyerno sa mga natitira pang grupo ng NPA na sumuko na sa pamahalaan at magbagong buhay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay na malayo sa gulo at karahasan na dulot ng maling ideolohiya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles