15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Model tricycle drivers sa lungsod ng Tuguegarao, pinarangalan

Pinarangalan ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang mahigit 46 Model Tricycle Drivers ng Lungsod na ginanap sa City Mayor’s Office Lobby noong Agosto 24, 2023.

Personal na tinanggap ng mga ito ang Certificate of Recognition at cash incentive mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao, bilang pagkilala sa kanilang katapatang ipinamalas dahil sa pagsasauli nila ng mga naiwang gamit ng kanilang mga pasahero.

Ang pagkilala sa mga tapat na tricycle driver ng lungsod ay pinangunahan ni Mayor Maila Ting Que kasama ang ilang opisyal ng LGU Tuguegarao.

Dinaluhan din ito nina Mariano Cabugos, ang Hepe ng Tricycle Regulatory Unit at John Escobar, ang tagapangasiwa naman ng TODA Action Center sa Lungsod.

Layunin ng programa na ipakita sa taong bayan na hindi lahat ng tricycle drivers sa nasabing lungsod ay abusado o mapagsamantala.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles