Tinatayang 3,000 senior citizens ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Local Government Unit ng Tarlac City na residente ng iba’t ibang barangay ng nasabing siyudad nito lamang Huwebes, ika-24 ng Agosto 2023.
Pinamunuan ni Hon. Cristy Angeles Mayor ng Tarlac City, Tarlac ang naturang pamimigay ng financial assistance.
Ayon sa ulat ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City, taon-taong binibigyan ang mga senior citizens ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng natirang programa.
Lubos naman ang kagalakan at pasasalamat ng mga benepisyaryo.
Samantala, patuloy ang pamimigay ng tulong at serbisyo para sa kanilang nasasakupan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.