Ang Bayan ng Paoay, Ilocos Norte ay namahagi ng Fertilizer Discount Voucher para sa mga magsasaka nito lamang Lunes, ika-21 ng Agosto 2023.
Ayon kay Hon. Shiella A. Galano, Mayor ng Paoay, Ilocos Norte, ang nasabing proyekto mula Department of Agriculture na kung saan 2,706 na rehistradong magsasaka na nagtanim ng palay ngayong wet cropping season ay nakatanggap ng kabuuang halaga na limang milyon isang daan tatlong libo siyam na raan tatlumpu’t pito at 20/100 (Php5,103,937.20) ng fertilizer discount.
Ayon pa kay Hon. Mayor Galano, ang pamamahagi ng voucher na ito ay pinangangasiwaan ng Office of Cong. Angelo Marcos Barba, kasama ang Chairman ng Committee on Agriculture, SPM Jonathan Toralba, at G. Richard Collado mula sa Department of Agriculture Region 1.
Dumalo rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pamumuno ni Vice Mayor Ferdinand P. Ignatio, upang tumulong sa pamamahagi ng naturang proyekto.
Source: Municipal Government of Paoay