Anim na miyembro ng Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa (ALMANA) ang binawi ang suporta sa Communist Party of The Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na ginanap sa Brgy. Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-21 ng Agosto 2023.
Lumagda ng Oath of Allegiance to the Government ang anim na nagbalik-loob bilang patunay sa pagtalikod sa maling gawain ng mga makakaliwang grupo.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitirang kasapi ng komunistang teroristang grupo na magbalik-loob para makapiling ang kanilang pamilya at sabay sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.