Angeles City – Nagsagawa ng libreng operation tuli ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City para sa mga residente ng anim ng Barangay ng Angeles City nito lamang Lunes, ika-3 ng Hulyo 2023.
Ang naturang operasyon ay pinamunuan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Unit, mga doktor at nurse.
Sumailalim sa libreng tuli ang mga bata at binigyan ng libreng gamot upang agad na maghilom ang sugat at iwas impeksyon.
Prayoridad ng Lokal ng Angeles City ang bawat kalusugan ng kanilang nasasakupan tungo sa malusog at maunlad na pamumuhay.