19.1 C
Baguio City
Tuesday, October 8, 2024
spot_img

Free Medical & Dental Mission, isinagawa sa lungsod ng Mangaldan, Pangasinan

Muling umarangkada ang mobile clinic ng tanggapan ni Pangasinan Fourth District Cong. Christopher “Toff” de Venecia sa Brgy. Osiem at Brgy. Navaluan, Mangaldan, Pangasinan nito lamang ika-30 ng Hunyo 2023.

Umabot sa 415 na katao ang naserbisyuhan ng libreng medical at dental mission sa Brgy. Osiem habang 440 naman ang naserbisyuhan ng programa sa Brgy. Navaluan.

Aktibo ring nakipagtulungan ang mga konseho ng barangay sa pamumuno nina Punong Barangay Henry de Guzman ng Osiem at Punong Barangay Gregorio Rivo ng Brgy. Navaluan, katuwang ng mga kasamahang Barangay Kagawad, Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) at mga Barangay Service Point Officers (BSPO) sa pagpapanatili ng maayos na pila, pagpaparehistro at pagkuha ng blood pressure (BP).

Kaisa ni Cong. Toff si Mayor Bona Fe De Vera Parayno sa adhikaing magsulong ng mga programa at proyektong layong mailapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad upang matiyak ang kapakanan at kalusugan ng sambayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles