Boluntaryong sumuko ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Head Quarters ng Regional Mobile Force Battalion 15, Tadian, Mt. Province nito lamang ika-26 ng Hunyo 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Alice”, babae, naging miyembro ng NPA noong taong 1987 sa Tinog, Ifugao.
Taong 1992 naman nang sya’y kumalas sa grupo dahil sa trauma dala ng pakikipaglaban sa gobyerno sa Buguias, Benguet, ngunit muling napaanib ng NPA sa taong 1999 at sa wakas ngayong taon ay nagbalik-loob sa pamahalaan.
Patunay lamang na ang pamahalaan ay patuloy sa panghihikayat sa mga miyembro ng komunistang grupo na sumuko upang makapagbagong buhay kasama ang kanilang pamilya at makamtan ang tunay na kapayapaan tungo sa kaunlaran.