Isang loose firearm ang boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen sa himpilan ng La Trinidad Municipal Police Station sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet nito lamang Hunyo 26, 2023.
Ang loose firearm ay isang caliber .38 revolver na may tatak na SW sa takip ng hand grip, walang serial number at walang bala.
Napag-alaman na ito ay nakita ni Mr. De Guzman sa kanal sa Brgy. Betag, La Trinidad, Benguet at nagdesisyong e-surrender sa himpilan ng pulisya.
Ang boluntaryong pagsuko ng nasabing loose firearm ay resulta ng pinaigting na kampanya ng La Trinidad PNP kontra loose firearms at hinikayat ang lahat ng firearm owners na walang lisensya na isuko ang kanilang mga baril upang maiwasan ang kasong pwedeng ipataw sa kanila.