16.3 C
Baguio City
Sunday, October 27, 2024
spot_img

Bahay ng Punong Barangay ng San Antonio, pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Bangued, Abra

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem ang bahay ng Punong Barangay ng San Antonio, Bangued, Abra nito lamang Hunyo 22, 2023.

Kinilala ang biktima na si Nevelle Lucero, 59, balo, Barangay Chairman at residente ng nasabing barangay.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na habang nakahiga ang biktima sa kanyang silid at matutulog na sana nang bigla itong makarinig ng ilang putok ng baril dahilan upang lumabas para tingnan ang sitwasyon.

Ayon sa salaysay ng biktima, lumabas ito ng kwarto ng makarinig ng putok at natuklasan ang mga basag na salamin mula sa kanilang bintana na nakakalat sa sahig ng kanilang sala.

Dagdag pa nito, nakarinig siya ng isang motorsiklo na tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Bañacao, Bangued, Abra.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 17 basyo ng bala ng cal. 5.56 at isang empty shell para sa cal. 45.

Samantala, agad na nagsagawa ang mga otoridad ng hot pursuit operation para sa posibleng pag-aresto sa mga suspek.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente at kasalukuyang inaalam ng mga otoridad ang posibleng motibo ng mga suspek.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles