19.9 C
Baguio City
Sunday, October 27, 2024
spot_img

Cultural Dance Showdown ginanap sa Tabuk Central School

Ginanap ang Cultural Dance Showdown kung saan naglaban-laban sa Cultural Dance Contest ang mga kalahok na ginanap sa Tabuk Central School, Tabuk City, Kalinga, nito lamang Hunyo 22, 2023.
Ipinakita sa aktibidad ang mayamang kultura at tradisyon ng Kalinga sa pamamagitan ng kanilang ipinamalas na mga dance formations, creative concepts, at vibrant attire sa nasabing okasyon.
Namangha at nagpalakpakan naman ang mga manonood sa ipinamalas na talento ng mga mananayaw.
Sa kalaunan ay inihayag ang Dupag National High School na nagwagi bilang 1st place, kasunod ang Agbannawag National High School, bilang 2nd place, Balawag National High School bilang 3rd place, at Cudal National High School naman bilang 4th place.
Nagtanghal din sa okasyon ang Casigayan Tumadek Cultural Group at Gradual Discovery Elementary School.
Binati rin ang lahat ng lumahok na mananayaw para sa kanilang malikhain at dedikadong pagtatanghal na ipagmamalaki ng mga kabataan saan man mapadpad dahil napapanatili ang angking tradisyon na nasasalin sa susunod na henerasyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles