Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Abanao, Baguio City nito lamang ikaw-21 ng Hunyo 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente ng nasabing lugar sa Baguio City PNP ang isang Caliber .38 revolver na walang bala at serial number.
Hindi na pinaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng pagsasagawa ng intensified campaign against loose firearms, Oplan Katok at Oplan Bakal.
Ito ay naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan ng komunidad, maiwasan ang panganib at kasong kakaharapin dahil sa walang kaukulang dokumento ng naturang baril.