17 C
Baguio City
Friday, October 25, 2024
spot_img

Exotic Animal and Aquarium Show, bida sa Tuguegarao

Cagayan – Bida ang iba’t ibang Exotic Animals sa Exotic Animal and Aquarium Show na binuksan nitong Miyerkules, Hunyo 14, 2023 sa Robinsons Mall, Tuguegarao City, Cagayan.

Parte ang aktibidad ng pagdiriwang ng 400th Aggao Nac Cagayan kung saan iba’t ibang mga palabas, exhibits, at programa ang inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Tampok sa nasabing Show ang mga exotic animals kagaya ng ahas, iguana, gecko, camelion, tortoise, isda, palaka, rabbit, lizard, glyder, at pythons.

Dinagsa naman ang palabas sa araw ng pagbubukas nito kung saan marami ang natuwa at kumuha ng litrato kasama ng mga bidang exotic animals.

Samantala, inaanyayahan naman ng PGC ang lahat na bumisita sa nabanggit na Mall at maexperience ang wild life.

Magtatagal ang Show hanggang sa araw ng Linggo, ika-18 ng Hunyo.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles