16.5 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

5 sugatan matapos saksakin; suspek arestado sa Baguio City

Sugatan ang limang indibiwal matapos saksakin ng isang lalaki sa Sunshine Park, Crown Legacy Plaza, Baguio City nito lamang Hunyo 6, 2023.

Kinilala ang suspek na si John Eric Beredo, 22 anyos, tubong Barcelona, Sorsogon.

Batay sa ulat, nakaupo sa waiting shed ng Sunshine Park ang biktimang sina Mark David Batanglawin at Lyla Prudente Rutaquio nang walang dahilan ay bigla umanong inundayan ng saksak ng suspek gamit ang isang matulis na bagay.

Tumakbo ang suspek patungong Governor Pack Road, at inundayan naman ng saksak ang isa pang biktima na si Joseph Mallari Dizon at patuloy na pinagsasaksak naman si Paul Tulioc Baldoza.

Nagpunta naman ang suspek sa Crown Legacy Plaza at sinaksak naman ang biktimang sina Gemma Passion Malnawan at Dona May Verdadero.

Agad naman nakorner ang suspek ng Baguio City PNP at agad dinala ang mga biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center para sa atensyong medikal.

Samantala, mahaharap sa patong-pato na kaso ang naturang suspek habang patuloy ang malalim na imbestigasyon sa likod ng pananaksak nito.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles