18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Plastic Palit Bigas Project ng Angeles City, patuloy na umarangkada

Tuloy-tuloy ang proyekto na Plastic Palit Bigas Project ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa Barangay Lourdes Sur, Angeles City nito lamang Lunes, ika-5 ng Hunyo 2023.

Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.

Ang mga residente ay nag-iipon ng mga iba’t ibang plastic na kung saan kapag umabot ito ng isang kilong plastic ay katumbas ng isang kilong bigas na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pagkain at bawas na rin sa mga gastusin.

Nakakatulong din ang nasabing proyekto sa ating kalikasan na mabawasan ang mga plastic na nakakalat at maiwasan ang pagbabara sa mga kanal.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa paghihikayat sa mga residente na bawasan ang paggamit ng mga plastic upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating inang kalikasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles